Friday, August 6, 2010

More than just a literary poem

Let me share you this poem I wrote March 6, 2006. I was in my second year high school that time. Well the poem is about my parents and the things I am hoping to give them someday. So, just please read it and hope to share the same view with all of you!

Higit sa isang munting tula

Hirap at saya ang siyang naramdaman
Di kailanman inalintana ang sakripisyong pasan-pasan
Dugo't pawis ang inalay mabigyan lamang ng kaginhawaan
Di maitatatwa ang pagmamahal na kailanman di mapapantayan

Ama, Ina kayo ang aking buhay!
Bawat tagumpay ko'y sa inyo lamang iaalay
Nais kong suklian ng pagmamahal ang lahat ng inyong ibinigay
Marahil ito'y hindi sapat upang mapunan ang lahat ng bagay

Buong puso akong nagpapasalamat sa lahat ng inalay
Isang munting tula muna, aking ibibigay
Simbolo ng pagmamahal ng iyong anak na tunay
Tula na punung-puno ng paggalang sa hirap mong walang kapantay

Maraming panahon pa ang aking gugulin
Mga pangarap na dapat kamtin
Tagumapay na iaalay para sa atin
Di lamang isang tula ang kaya kong buuin...

...Para sa iyo aking Ama't ina!

By: Ailyn Dela Cruz

No comments:

Post a Comment